Pamangkin ko po ay may barkada na nakaw sa 7/11 tapos nahuli.. pero wala po syang ka alam alam na yung barkada nya ay nag nakaw na sa timena sila ay mag kasama ngayun sya po ay nadamay pinag usapan po sa baranggay na kong hindi mag babayad ng danyus ang m
Lawyer Answers
NARAG LAW OFFICE
Magandang araw po.
Kung ang pamangkin ninyo ay walang kaalaman at hindi siya nakisali sa pagnanakaw, hindi siya dapat basta managot o makulong. Sa batas, kailangan mapatunayan na may partisipasyon o kasabwat siya sa krimen bago siya maging liable.
Ang barangay ay walang kapangyarihan na magdesisyon na ipakulong ang isang tao. Ang maaari lamang nilang gawin ay magkasundo ang mga partido para maayos ang usapin, ngunit hindi maaaring pilitin ang isang tao na magbayad o akuin ang kasalanan kung wala siyang kinalaman.
Kung sakaling may kasong isampa, dadaan pa ito sa pulisya at piskalya, kung saan iimbestigahan kung may ebidensya na sangkot ang pamangkin ninyo.
Iminumungkahi namin na bumisita kayo agad sa aming opisina para ma-review namin ang buong pangyayari at mabigyan kayo ng tamang legal na payo kung paano poprotektahan ang pamangkin ninyo.
Free • Anonymous • Expert Lawyers
Need Personal Legal Help?
Connect with experienced lawyers in your area for personalized advice on your specific situation.
No obligation to hire. 100% free service.